We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Unwhite Christmas

by Original Pasko Music

supported by
/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
25 ng Disyembre ang birthday ko Laging kinukuripot sa mga regalo Masaya matipid ang ninong ko Ang hindi lang masaya – Sino pa nga ba – ‘di ako! Anak ng P… CHORUS: Pasko… Smile. Ngiti. Be happy sa Pasko! No, no angst at emo sa Pasko! Lumigaya ka nawa ngayong Pasko! Simula noong bata pa 'ko Hanggang sa edad kong ‘to Nagiging 2-in-1 lagi ang birthday party ko Salu-salong maramihan para lang daw sa akin 'Yun pala isang reunion ng buong angkan namin! Anak ng P… CHORUS: Pasko… Smile. Ngiti. Be happy sa Pasko! No, no angst at emo sa Pasko! Lumigaya ka nawa ngayong Pasko! Si Ronald, si Chuckie at nagsasayaw na bee Nagsusungit, napipikon, nagdadabog Because of me Pagtrabahuin ka ba naman Paskong-pasko buong tanghali Kahit mascot nalulungkot, 'Di ka ba magi-guilty! Anak ng P… CHORUS: Pasko… Smile. Ngiti. Be happy sa Pasko! No, no angst at emo sa Pasko! Lumigaya ka nawa ngayong Pasko! Feeling ko I’m not so special Dahil laging secondary Ang birthday ko versus Pasko Anong laban ko kay J.C.? Hey!!! Happy birthday, Bro! CHORUS: Pasko… Smile. Ngiti. Be happy sa Pasko! No, no angst at emo sa Pasko! Lumigaya ka nawa ngayong Pasko!
2.
Beinte k'watro sa 'king kalendaryo At nag-iisa sa aking kuwarto Malamig na hangin lalo lang lumalamig Dahil walang karoling na naririnig Walang parol na nakasabit sa bintana Walang pupuntahang Simbang Gabi Walang puto't bibingkang sa daa'y nilalako Walang mga batang nagmamano Isa ako sa maraming nag-iisa Piniling lumayo sa pamilya Para kinabukasan ay marating Kaisa-isang regalong hiling Ngayong Pasko, dito sa puso ko Maglalayag palaot nang makauwi sa inyo Ngayong Pasko, diyan sa puso niyo Darating din ako't magkakasama muli tayo Walang umaandap na ilaw sa puno Walang nag-iinuman diyan sa kanto Walang nagkakaraokeng sintunado May noche buena, walang kasalo At sa aking pag-uwi hintayin niyo Araw-araw ay gagawin nating Pasko
3.
Meron akong hiling ngayong pasko Kahit na walang ibang regalo Kahit walang matanggap na aguinaldo Basta ang wish ko'y mabigay mo Di na kailangan pang naka-box o naka-wrap Madali lang ibigay, walang kahirap-hirap Araw araw ko itong hinihintay, at hinahanap At tuwing gabi dinadasal sa mga ulap Mag exchange gift tayo Isang bagay lang naman ang gusto ko Eto, sa’yo na ang aking puso at akin na lang ang sagot mo… Tayo na ba ngayong Pasko? Di naman mahal ang hinihiling ko Tayo na ba ngayong Pasko? Feeling ko naman ay mahal mo rin ako (Ang gusto ko lang ay maging mahal mo) Tayo na ba? Tayo na ba? Tayo na ba ngayong Pasko? O Naging mabait naman ako buong year Panliligaw sa yo ay kinarir. Hindi ako naughty. Wala nang iba pa. Halika na sa North Pole at tanungin mo pa si Santa Mag exchange gift tayo Isang bagay lang naman ang gusto ko Eto, sa’yo na ang aking puso at akin na lang ang sagot mo Tayo na ba ngayong Pasko? Di naman mahal ang hinihiling ko Tayo na ba ngayong Pasko? Feeling ko naman ay mahal mo rin ako Tayo na ba? O Tayo na ba? Tayo na ba ngayong Pasko? Sige na sagutin mo ang tanong ko Para di na ako nalilito At kung sakiling ayaw mo Next year nandito pa rin ako Tayo na ba ngayong Pasko? Di naman mahal ang hinihiling ko Tayo na ba ngayong Pasko? Feeling ko naman ay mahal mo rin ako Tayo na ba? Tayo na ba? Tayo na ba ngayong Pasko?

about

A compilation of original Christmas songs by various Filipino artists.

credits

released December 17, 2012

Produced by TBWA Santiago Mangada Puno in support of Original Pilipino Music.

license

all rights reserved

tags

about

Unwhite Christmas Manila, Philippines

Unwhite Christmas

contact / help

Contact Unwhite Christmas

Streaming and
Download help

Report this album or account

If you like Unwhite Christmas, you may also like: